Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Babaeng pintor naghubad sa harap ng hubad na obra

012116 Manet Olympia
INARESTO ang isang babae sa kasong ‘indecent exposure’ makaraang humiga nang hubo’t hubad sa harapan ng hubad ding obra maestro ng prostitute na si Olympia na ipininta ni Edouard Manet sa Musee d’Orsay sa Paris, France.

Masayang pinagmamasdan ng mga museum-goer ang exhibition na may titulong ‘Splendour and Misery: Images of Prostitution 1850-1910’ nang bigla na lamang naghubad ng kanyang damit si Luxembourg artist Deborah de Robertis para mag-pose sa harapan ng obra ni Manet.

Nakasuot si De Robertis “ng isang portable camera para kunan ng pelikula ang reaksiyon ng publiko. Isang artistic performance ito,” pahayag ng kanyang abogado si Tewfik Bouzenoune.

Hindi ito ang kauna-unahang eskandalo kaugnay ng painting. Ang depiksiyon ng hubad na babaeng nakatanaw sa sa viewer ay lumikha ng uproar nang ito’y ipinakita sa publiko noong 1865.

Makikitang ang nakalarawan ay isang prostitute at tunay na babae, hindi katulad ng mga nimpa at mga religious o historical figure na madalas ipinapakita sa mga obra noong kapanahunan nito.

Ngunit sinabi ng mga awtoridad na ang pagtatanghal ni De Robertis ay bahagyang labis sa katotohanan para sa nais ng Musee d’Orsay.

“Maraming tao na pinagmamasdan iyong painting. Tumugon agad iyong mga security guard, isinara nila ang silid at hiniling na magbihis siya ng kanyang damit,” sabi ng tagapagsa-lita ng museo sa panayam ng media.

“Dahil tumanggi siyang sumu-nod, tinawag ang pulisya para paalisin siya.”

Naghain ng reklamo ang museo laban sa babae para sa indecent exposure.

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …