PABOR ang Year of the Monkey kina Alden Richards at Maine Mendoza dahil mangingibabaw ang kanilang tambalan kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardolalo pa’t napatunayang malaking hit ang pelikulang My Pabebe Love samantalang walang lahok ang KathNiel sa nakaraang MMFF 2015.
“Mas lalong magniningning at sisikat ang AlDub at maaaring magka-develop-an ang dalawa sa kanilang halos araw-araw na pagkikita, magkakahulihan sila ng loob. Sila pa rin ang mag-na-number one sa telebisyon at pelikula,” vibes ni Madam Suzette Arandela.
Dagdag pa ng kilalang manghuhula, maaapektuhan ang tambalang KathNiel dahil masasapawan sila na dahilan para mag-slow down ang kanilang kasikatan pero hindi naman mabubuwag. Ganoon din ang tambalang Enrique Gil at Liza Soberano at James Reid at Nadine Ilustre pero tuloy pa rin ang pag-usad ng kanilang kasikatan.
STARNEWS UPLOAD – Alex Datu