Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coed patay sa selfie (Nahulog sa roof deck ng 20-storey condo)

010716_FRONT

AGAD binawian ng buhay ang isang 19-anyos estudyante nang mahulog habang nagse-selfie mula sa roof deck ng 20-palapag na condominium sa Ermita, Maynila kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Cristina Marie Pagalilauan, 3rd year Mass Communication student sa Adamson University, residente sa B2, L21 Eternity St., Compil 3, San Vicente, San Pedro, Laguna.

Ayon kay Manila Police District Homicide Section PO3 Al Layugan, umakyat sa roof deck ng Dahlia Tower ng Suntrust Parkview Condominium sa Natividad Lopez St., ang biktima kasama ang kaklaseng si Jonea Mildred Ani upang kumuha ng mga larawan.

Sumampa ang biktima sa parapet wall dahil overlooking ang background.

Binalaan ni Ani si Pagalilauan ngunit nagpatuloy pa rin ang biktima hanggang mahulog.

Hindi agad nakita ni Ani ang pagkahulog ng biktima dahil abala siya sa kanyang cellphone.

Napag-alaman, sa nasabing condo nakatira ang boyfriend ng biktima na kasalukuyang nasa probinsiya.

ni LEONARD BASILIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …