Friday , November 15 2024

Tserman patay, asawang principal sugatan sa ambush (Sa Cotabato)

PIKIT, NORTH COTABATO – Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang barangay chairman nang tambangan ng riding-in-tandem suspects sa probinsya ng Cotabato kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Pecson Alang Mangansakan, Brgy. Chairman ng Brgy. Silik Pikit North Cotabato, tiyuhin ni Pikit Vice-Mayor Don Mangansakan.

Habang nadaplisan ng bala sa katawan ang maybahay niyang si Marela Mangansakan, principal ng isang paaralan sa bayan ng Pikit.

Ayon kay Cotabato Police Provincial Director, Senior Supt. Alexander Tagum, lulan ang mga biktima sa isang Suzuki multi-cab (temporary plate number 1201-07307) nang biglang sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril si Chairman Mangansakan gamit ang kalibre.45 pistola.

Agad tumakas ang mga suspek sakay sa isang motorsiklo patungo sa isang liblib na lugar sa bayan ng Pikit.

Naisugod pa sa Cruzado Medical Hospital si Kapitan Mangansakan ngunit hindi na umabot nang buhay habang nasa ligtas nang kalagayan ang kanyang asawa.

Rido o away pamilya ang natatanaw ng pulisya na motibo sa pananambang sa mga biktima.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *