Friday , November 15 2024

Protesta ng PH vs China sa test flight tuloy — DFA

TINIYAK ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tuloy ang kanilang protesta laban sa China kaugnay ng test flight na ginawa ng Beijing sa artificial airstrip sa West Philippine Sea.

Magugunitang, mismong ang China ang nagkompirma na nakompleto na ng Beijing ang construction ng airfield sa Fiery Cross Reef at nagsagawa na sila ng flight testing para sa civil aviation standards.

Ngunit ayon kay DFA spokesman Charles Jose, ipoprotesta ng Filipinas ang ginawa ng China dahil ang airstrip sa Kagitingan ay bahagi ng Kalayaan Island na pag-aari ng Filipinas.

Nabatid na binatikos ng Amerika ang pagsagawa ng China ng test flight sa naturang airstrip.

Ayon sa Washington, ang ginawa ng Beijing ay lalo lang magpapalala ng tensiyon sa disputed islands.

Nabatid na lumapag ang civilian aircraft ng China sa airstrip na ginawa nito sa Fiery Cross Reef sa Spratly Islands, bagay na ikinagalit ng iba pang claimants kagaya ng Filipinas at Vietnam.

Sinabi ng US State Department, patunay lang ito na kailangan nang magkaroon ng code of conduct sa usapin ng territorial dispute sa South China Sea.

Banta raw sa ‘stability’ sa rehiyon ang ginawa ng China.

Una nang nagprotesta ang Vietnam sa naturang test flight ngunit ibinasura lang ito ng Beijing dahil wala anilang basehan.

Iginiit ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Hua Chunying, ang ginawa ng Beijing ay ayon sa soberenya nila.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *