Sunday , December 22 2024

Ex-Leyte mayor et al kinasuhan ng graft sa Omb.

TACLOBAN CITY – Nahaharap sa kasong graft sa Ombudsman ang dating alkalde sa bayan ng Mc Arthur, Leyte.

Inihain ang kaso sa Office of the Ombudsman dahil sa ilegal na withdrawal ng P355,000 para sa overtime pay mula taon 2002 hanggang 2004.

Bukod kay dating Mayor Leonardo Leria, pinangalanan din ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang iba pang haharap sa kasong paglabag sa Section 3 (e) ng Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act, na sina municipal treasurer Daisy Caña, budget officer Arturo Zamoras at accountant Margarita Dagsa.

Ayon kay Morales, ang tatlong iba pang opisyal ang nag-apruba sa pagbayad sa overtime mula sa pera na para sana sa clothing/uniform allowance.

Natuklasan sa ginawang audit, walang nakatalaga para sa overtime services at wala rin supporting documents na awtorisado ang paggamit ng nasabing overtime pay.

Ayon sa DBM Circular No. 10 (1996), ang bawat department heads ay hindi awtorisadong mag-claim ng overtime pay.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *