Sunday , December 22 2024

Retiradong sundalo, pulis isama sa SSL4 (Apela ni Trillanes kay PNoy)

010516 FRONTUMAPELA kahapon si Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV  kay Pangulong Benigno S. Aquino III na isama ang mga retiradong miyembro ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at iba pang uniformed services sa panukalang Salary Standardization Law 4.

Ayon kay Trillanes, pangunahing may-akda at isponsor ng Senate Bill No. 2671 o ang panukalang SSL4, sa ilalim ng kanyang orihinal na panukala sa Senado, ang pensiyon ng mga retiradong miyembro ng mga nasabing organisasyon ay tataas rin kasabay ng pagtaas ng sahod ng mga kawani ng gobyerno, alinsunod sa Presidential Decree 1638 at Republic Act No. 8551.

Ngunit sa bersiyon na itinutulak ng Malacañang, ang probisyong ito o tinatawag na indexation ng military pension, ay tinanggal dahil sa sinasabing matinding kakapusan sa budget ayon sa Department of Budget and Management.

Ang nasabing panukala ay hindi naaprubahan ng Kongreso bago magsara ang sesyon noong Disyembre dahil sa magkaibang bersiyon na itinutulak ng bawat Kapulungan. Kasama ang pagtaas ng pensiyon ng mga retiradong miyembro sa bersiyon ng Senado, samantala ang bersiyon ng Malacañang naman ang itinutulak ng Mababang Kapulungan. 

Inaasahan ni Trillanes na tututulan ng Malacañang na isama ang indexation provision sa SSL4, na maaaring mag-aantala sa agarang pagpapatupad ng panukala at makaaapekto sa mga kawani ng gobyerno, kung kaya’t umaapela si Trillanes sa Pangulo. 

“Naniniwala tayo na karapat-dapat lamang na isama ang mga retiradong miyembro ang AFP, PNP at ibang uniformed services sa batas na ito. Ibinuwis nila ang kanilang buhay para lamang maging ligtas ang ating bansa at matamasa natin ang demokrasya na nararanasan natin ngayon,” ani Trillanes. 

Sa P3.002 trilyon national budget para sa 2016, P57.9 billion ay nakalaan para sa pagpapatupad ng unang bahagi ng SSL4. Karagdagang P9 bilyon ay kakailanganin para sa indexation ng mga retiradong sundalo at pulis sa unang taon ng pagpapatupad ng batas. 

Dagdag ni Trillanes, “Ang ating gobyerno ay marapat lamang na magpakita ng malasakit, kundi man pasasalamat sa mga sakripisyong inialay ng mga retiradong sundalo at pulis, at ng kanilang mga pamilya sa loob ng mahabang panahon, lalo na’t sila ay nasa maselang bahagi na ng kanilang mga buhay. Sana ay makita ito ng Presidente sa aspetong ito dahil ang buhay at kapakanan ng mga retirado ay higit pa sa ano mang sinasabing dahilan ng kakulangan sa budget.”

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *