Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Magnanakaw ng mga panty inaresto sa Japan

042015 arrest prison
INARESTO ng Osaka Prefectural Police ang isang 54-taon gulang na lalaki na umaming ninakaw niya ang mga underwear ng kababaihan at dinilaan ang mga ito bago ibinalik sa mga may-ari na kanyang biniktima, ulat ng pahayagang Sankei Shimbun.

Noong Abril hanggang Mayo ng nakaraang taon, ninakawa umano ng suspek ang limang panty, kabilang na ang brassiere, mula sa balkonahe sa tahanan ng isang babae na nasa edad 20-anyos sa Higashiosaka City. Ngunit bago magbuwan ng Hunyo, ibinalik din ng lalaki ang mga underwear matapos dilaan at makaraos sa mga ito. Natagpuang nakasilid sa loob ng bra ang isang gamit na condom.

Ang suspek, na naninirahan sa Kashiwara City, ay kinasuhan ng pagnanakaw at trespassing.

“Ginawa niya ang krimen para ma-satisfy ang kanyang seksuwal na pagnanasa,” wika ng pulisya sa pag-amin ng lalaki sa mga alegasyon sa kanya, “Ginawa ko ito sa labis na 100 pagkakataon.”

Nakilala ang suspek ng pulisya mula sa Fuse Police Station sa pamamagitan ng security camera footage na nahuli siya sa aktong ginagawa ang pagnanakaw.

Sinabi rin ng suspek sa pulisya na ibinalik niya ang kanyang mga ninakaw sa pamamagitan ng Koreo o paglalagay sa mga ito sa loob ng kani-kanilang mail box.

ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …