MAY kasabihang “an apple a day keeps the doctor away”—kaya kung tunay nga na ganito ang katangian ng mansanas, ano naman kaya ang maibibigay na benepisyo nito kung hinalikan ng magandang flight attendant ang paboritong prutas?
Salamat sa effort ng Sichuan Southwest Vocational College of Civil Aviation, hindi na kailangan pang magtaka o tanungin ito. Sa pagnanais na makalikom ng pondo, nagbukas ang naggagandahang stewardess ng bidding sa Taobao, ang Chinese equivalent ng eBay.
Sinimulan ang viral marketing campaign kamakailan, na ang unang mansanas ay nagkahalaga ng US$1.50. Ngunit sa sandaling panahon lang ay tumaas na ito sa halagang US$20, at ang appeal ng masarap, malutong at mamula-mulang mga prutas ay nahalikan ito ng pares ng mapupulang labi.
Bilang bahagi din ng sales pitch ng pambihirang mga mansanas, sinamahan ng mga flight attendant ang mga prutas ng kanilang mga larawan habang hinahalikan ang bawat isa para lalong mahimok ang kanilang mga parokyano at suki na bumili nang bumili. May mga pagyayabang din na ang isang mansanas ay hinalikan nang mahigit 500 stewardess kaya pinag-aagawan ito.
Ukol naman sa opisyal na dahilan para sa kampanya, ipinaliwanag ng vocational college na matatagpuan sa southwestern China, na ito ay para makalikom ng pondo sa pagkakawang-gawa. Bahagi ng pondo ay mapupunta sa pagtulong sa lokal na old people’s home habang ang iba ay para sa mga estudyanteng nais matupad ang kanilang mga panaginip na magandang ki-nabukasan.
Kinalap ni Tracy Cabrera