MAYROON nga bang misteryosong planetang nasa hangganan lamang ng ating solar system? Isang team ng mga astronomer mula sa Sweden at Mexico ang nagsasabing nakadiskubre sila ng dating nakakubling malaking object na nasa dulo ng solar system.
Ngunit maraming ibang astronomer ang may pagdududa rito, ulat ng science site na Ars Technica.
Sa dalawang artikulong inilathala sa Arxiv, sinabi ng mga siyentista na nakakita sila ng ‘isang bagong blackbody point source’ na kumikilos kasabay ng Alpha Centauri star system, gamit ang mga obserbas-yon na kinalap sa Atacama Large Millimeter/submillimeter Array (ALMA).
Isinulat ng mga researcher, “Nakumbinsi kami ng mga simpleng argument na ang nakita naming object ay hindi maaaring maging isang ordinaryong bituin.
“Napagtanto namin na ito ay malamang bahagi ng solar system, na nasa prograde motion, sa distansi-yang lubhang napakalayo para ma-detect sa ibang mga wavelength.”
Ang nabanggit na object—na pinangalanan ng isa sa mga team na ‘Gna’—ay maaaring isang Super Earth, na nasa distansiyang humigit-kumulang na 300 astronomical units (AU) mula sa Araw, anim na beses ang layo kaysa Pluto.
Ang ibang paliwanag dito, isa itong brown dwarf, 20,000 AU mula sa Araw.
Gayon pa man, skeptical pa rin ang ibang mga siyentista sa diskubre—at sinasabi ding hindi ‘peer reviewed’ ang obserbasyon ng ibang mga paham sa astronomiya.
Ayon kay Mike Brown, sa Caltech, ‘Fun fact: kung totoong aksidenteng nadiskubre ng ALMA ang malaking outer solar system object sa nakapaliit nitong field of view na nagbibigay indikasyong may 200,000 Earth-sized na mga planeta sa outer solar system, ito ay maaaring maging dahilan ng destabilisasyon ng buong solar system at tayong lahat ay mamamatay.’
ni Tracy Cabrera