GINISING ng opening ng pelikulang The Force Awakens ang maraming boozehounds sa Chicago. Bilang parangal ng bagong Star Wars film, binago din ng The Whistler bar sa Chicago ang tema nito para maging kahintulad ng cantina sa serye ng prangkisa na A New Hope, kompleto ang pamosong banda na binuo ng mga alien na musikero.
Pumila ang mga fans ng pelikula (at alcohol) sa labas ng bar para sa tsansang maranasan ang tipo ng nightlife na da-ting nararanasan lamang ng mga bisitang pumupunta sa Mos Eisley sa planetang Tatooine.
Nagsilbi ang mga bartender ng ilang Star Wars-inspired na inumin.
Dalawa sa nasa-bing mga spacey drink ang ‘Battle For Endor’ na cocktail ng gin, lemon-activated charcoal at club soda na sinamahan ng dry ice, at ang ‘Cloud City’ na isa namang mezcal at tequila drink na pinasasarap ng buko, curry, mangga at lime.
Mayroon din ‘Blue Milk’ isang inumin na hinalong spiced rum, apple brandy, amaro, milk, cinnamon, nutmeg at bitters.
Tiyak na lahat ng mga inuming ito ay magugustuhan ninyong tikman.
Nahimok din ang maraming mga alien mula sa Chicago sa pagbubukas ng bar.
At para maging tunay na awtentiko ang cantina experience dito, kinuha ng The Whistler ang serbisyo ng Silent Reading—isang bandang nakabase sa Chicago para magbigay-pugay kay Figrin D’an—at ang Modal Nodes—ang pangalan ng cantina band sa A New Hope.
Nagtanghal ang grupo ng mga piyesa mula sa orihinal na Star Wars trilogy, kabilang ang ‘Cantina Band’ song at iba’t iba pang mga tugtugin kaugnay sa mga popular na Sci-Fi mo-vies.
Ngunit hindi rin naman puro saya ang naganap. Kinailangan ding iwan ng mga bisita ang kanilang light saber sa pintuan para maiwasan ang kaguluhan o karahasan.
ni Tracy Cabrera