KAILANGANG ngayon pa lang ay magpaliwanag na ang mga commissioner ng Comelec kung tunay ang akusasyong “luto” na ang desisyon sa kasong residency at citizenship na kinakaharap ni Sen. Grace Poe.
Kamakailan, sa isang bukas na liham sa media ng Bantay-Balota ng Bayan, ibinunyag nito na isang nagngangalang Arnel Bacarra, general manager ng Baseco ay nagsabing tiniyak na sa kanya ni Commissioner Andres Baustista na madi-disqualify si Poe sa Comelec en banc, at tuluyang hindi na makatatakbo sa darating na presidential elections.
Si Bacarra ay sinasabing empleyado rin ng Comelec habang kasalukuyang hawak ang posisyong GM sa Baseco.
Ayon sa Bantay-Balota ng Bayan, si Ba-carra na protégé at ‘tirador’ ni Bautista, ang unang nagbigay ng impormasyon kay Caloocan City Rep. Edgar Erice sa magiging desisyon ng 2nd Division ng Comelec sa kasong isinampa laban kay Poe ng abogadong si Estrella Elamparo.
Ibinunyag din ng grupo na kung tulu-yang hindi makatatakbo si Poe sa eleksi-yon at maging pangulo si Mar Roxas, ma-giging mahistrado ng Korte Suprema si Bautista bilang premyo sa kanyang gagawin sa senadora.
Lantaran ang ginagawang pambabrasong ito ng Comelec kung tunay nga ang plano ng mga commissioner at ni Bautista laban kay Poe.
Malaking gulo ito kung ang gagawing desisyon sa kaso laban kay Poe ay hindi base sa merito kundi dahil lang sa kapritso ng mga commissioner.