Sunday , March 22 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarili kinoryente ng MCJ inmate, patay

“Ka-lugar ang sarap magpasko sa laya. Gusto ko nang lumaya.”

Ito ang sinasabing inihayag ni Gregorio Trinidad, 38-anyos bading na inmate sa Manila City Jail, sa ilang kasamang preso bago nagpakamatay sa pamamagitan ng paghawak sa live wire sa loob ng kanyang kubol dakong 10 p.m. kamakalawa.

Ayon sa report na isinumite sa Manila Police District-Homicide Section ni JP3 Jose Rodzon, unang inakala ni Sonny Tazarte, mayores sa Culturero Selda 1 ng MCJ, na natutulog lamang ang biktima nang hanapin dahil kulang ng isa ang pinangangasiwaan niyang preso.

Sa puntong ito, nakita niya ang walang malay na biktima habang nakaupo sa loob ng kanyang kubol.

Isinugod ang biktima sa Jose Reyes Memorial Medical Center ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Nabatid sa imbestigasyong nakarating kay Jail Supt. Clint Russel Tangeres, si Trinidad ay may kasong paglabag sa R.A. 9165, Section 11 dahil sa pag-iingat ng shabu, at kasalukuyang nililitis sa korte.

Ilang kasama sa kulungan ng biktima ang nakakakita na malimit na nagsasalitang mag-isa si Trinidad kaya hinihinalang naburyong sa loob ng piitan.

Huling nakitang buhay ang biktima nang dalawin ng kanyang ina bago isinagawa ang pagkoryente sa kanyang sarili.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

San Rafael, Bulacan

Senior citizen na MWP,  2 pa nasakote sa Bulacan

TATLONG most wanted persons (MWPs) sa municipal level kabilang ang isang senior citizen ang magkakasunod …

Bulacan spay castration Rabies Awareness Month

Bulacan PVO, pinangunahan ang nationwide spay at castration project ngayong Rabies Awareness Month

SA PAGDIRIWANG ng Rabies Awareness Month ngayong Marso, pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, sa …

Kamara, Congress, money

“Alagang Kongreso” arangkada na

ni Gerry Baldo INILUNSAD kahapon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang programang “Alagang Kongreso” na …

PISTON welga rally

PISTON KASADO SA WELGA NGAYON
Tanggal-buwis sa Langis, makatarungang rollback igigiit

ni TEDDY BRUL TULOY ang welga at kasado ngayong araw ang grupong Pagkakaisa ng mga …

Police line do not cross

Truck vs multicab, 2 todas

CAMP NAKAR, Lucena City — Dalawa ang patay at dalawang iba pa ang malubhang nasugatan …