Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Manager patay sa amok na sekyu (Suspek nagpakamatay din)

1127 FRONTPATAY ang manager ng isang kompanya at dalawa pa ang sugatan nang mag-amok ang security guard na binawian din ng buhay makaraang magbaril sa sarili sa Sta. Cruz, Maynila kahapon.

Kinilala ang nag-amok na security guard na si Fernando Cano, 44-anyos, naka-duty nang maganap ang insidente sa Chain Glass Enterprises sa Rizal Avenue, Sta. Cruz, Maynila, binawian ng buhay dakong 2:15 p.m. makaraang magbaril sa sarili.

Kinilala ang mga biktimang sina Ricky Mesina, manager, nalagutan ng hininga sa Chinese General Hospital, habang sugatan ang isang alyas Mark at isang babae na hindi pa matukoy ang pangalan, pawang binaril ng suspek na si Cano.

Napag-alaman, kagagaling lamang ng mga tauhan ng Manila Police District-Theft and Robbery Section sa nasabing kompanya upang imbestigahan ang pagkawala ng P1 milyong cash, nang maganap ang insidente dakong 12:30 p.m.

Nang makaalis ang mga imbestigador sa pangunguna ni SPO2 Rodel Benitez, ay sinasabing nagsimulang i-bully ng mga empleyado ang suspek na sinabihan ng “Naku makukulong ka na…”

Bunsod nito, uminit ang ulo ng suspek saka biglang pinagbabaril ang tatlong biktima.

Agad dumating sa lugar ang misis ng suspek na nanawagang sumuko na si Cano.

Ngunit isang putok ng baril ang narinig at pagkaraan ay natagpuang wala nang buhay ang suspek na sinasabing nagbaril sa sarili.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …