Saturday , March 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagsasamang muli nina Jobelle at Tonton, may nanumbalik

112515 jobelle tonton jc
KASAMA si Jobelle Salvador sa newest Primetime teleserye ng ABS-CBN, ang You’re My Home at hindi naman nito inamin na kaya siya sobrang masaya ay dahil kasama rin ang kanyang ex na si Tonton Gutierrez bilang asawang senador at ina ni JC de Vera.

“Isa lang si Tonton pero what made me so happy ay dahil makakasama ko sina Richard Gutierrez at Dawn Zulueta at ABS-CBN ‘yan! Maging choosy pa ba?”pambungad nito.

May trivia pala ang aktres dahil maliban kay Tonton ay naka-something din nito si Richard Gomez noong Bagets days pa kaya, puwedeng sabihing reunion ng tatlo ang hataw sa rating na YAMH. ”Magkasama kami ni Richard sa ‘Buy One, Take One’ with Sharon Cuneta at kami naman ni Ton sa ‘Alabok Sa Ulap’ kasama si Dina Bonnivie. Maigsi lang sa amin ni Goma kasi may naka-triangle pero kami ni Tonton ay two years tumagal,” aniya.

Kaya naman, ‘pag breaktime sa taping, para silang mga batang nag-uusap ng kanilang throwback pero mas close sina Jobelle at Tonton dahil pagkatapos ng pagiging lovers, closed friends ang level nila.

“Palagi nga niyang tinatanong kung anong naging dahilan ng aming hiwalayan kasi nga nagulat na lang siya nang bigla na lang akong nawala sa eksena,” tsika nitong sinabayan ng tawa.

Sa sarap ng kuwentuhan, may natsika pa si Jobelle na noong Bagets days at kasagsagan ng promo ng movie ay nakaporma na pala si Mayor Herbert Bautistasa kanya. ”Parang wala nang room to make ligaw kasi nandoon na eh. Hindi naman umabot sa ligawan, nag-spark na lang. For awhile, kami ni Herbert ang parang ano … pero after that, sila na ni Eula Valdez at mas naging open ang relationship nila kaysa amin. Kaya nag-give way na lang ako kasi real love naman ‘yung sa kanila,” pagbabalik-tanaw nito.

Mismong ang aktres ang nagkompirma na close pa rin silang nasa cast ng Bagetshanggang ngayon, katunayan, may bonding silang gagawin sa susunod na linggo sa imbitasyon ni Mayor Herbert.

JC, sobrang hinahangaan ni Jobelle

INAMIN ni Jobelle Salvador na isa siyang tagahanga ni JC de Vera na kanyang anak sa You’re My Home.  Noon pa siya nagagalingan sa aktor noong nasa Kapuso pa ito.

“Magaling siya, iba kasi ‘yung rehistro niya sa TV. Alam mong tatagal ‘yung bata, marunong siyang umarte, malalim ang akting niya. Kaya nasasabi ko na tatagal siya sa showbiz.”

Ngayong nakatrabaho na niya ang aktor, mas nadagdagan ang paghanga niya sa aktor lalo na ngayong nag-mature dahil madali raw itong katrabaho. Aniya, ”Never akong nag-expect that I will be working with him, tapos ‘yung nakita ko na siya, nag-iba na kasi, nag-mature na siya. Much, much better at ako pa nga ngayon ang naiilang. Kasi, siyempre kahit sino, maiilang ako sa kanila kasi lahat sila, they’ve had been active in acting. Naninibago ako sa kanila.”

Nasabi nito sa aktor ang pagiging fan nito kaya ganoon na lang daw ang pamumula ng aktor. ”Siyempre, hindi ko rin naman puwedeng ulit-ulitin ‘yun sa kanya, baka sabihin niya, may crush pa ako sa kanya eh, ang sa akin lang naman ay I’m a fan to him as an actor.”

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Arron Villaflor Pater Noster

Arron Villaflor lalong dumami nagpapantasya

MARAMING beki ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo at flawless ang aktor/politiko. Subalit mas …

Bong Suntay Jasmine Curtis Smith Anne Curtis

Jasmine kinondena tinuran ni Bong Suntay laban kay Anne 

MA at PAni Rommel Placente GALIT na galit si Jasmine Curtis Smith kay 4th District Rep. Bong Suntay dahil …

Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle hindi pa handang pakasal kay Derrick

RATED Rni Rommel Gonzales APAT na taon na ang relasyon nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Pero ayon …

Ashley Ortega Mavy Legaspi Carmina Villaroel

Ashley  pinasinungalingan pangingialam ni Carmina sa relasyon nila ni Mavy

RATED Rni Rommel Gonzales MAAYOS at maganda ang sitwasyon kina Ashley Ortega at Carmina Villarroel na ina ng boyfriend …

Judy Ann Santos Jack Jeffery Mommy Carol

Juday walang palya pagbibigay salo-salo sa kaarawan ng ina 

RATED Rni Rommel Gonzales TAON-TAON ay hindi pumapalya si Judy Ann Santos, katuwang ang mga kapatid …