Friday , November 15 2024

APEC posibleng solusyon sa China-PH conflict — Marcos

NANAWAGAN si Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos na gamitin ang pagkakataon sa Asia Pacific Economic Cooperation Summit upang ayusin ang relasyon sa China na lumamig nitong nakaraang mga taon dahil sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Nauna rito, kinompirma ng Ministry of Foreign Affairs ng People’s Republic of China na dadalo si Chinese President Xi Jinping sa APEC Summit na gaganapin sa Maynila sa darating na Linggo.

Matatandaan, ilang linggo ang nakalilipas nang nagdesisyon ang United Nations arbitration court na may hurisdiksiyon sila para dinggin ang ilang reklamong inihain ng Filipinas kaugnay sa pinag-aagawang mga teritoryo. Hindi kinikilala ng China ang awtoridad ng korte para dinggin ang kaso.

“Para sa akin dapat nating gamitin ang lahat ng oportunidad na makipag-usap sa China, pormal o impormal man ang mga pag-uusap. Dapat na makahanap tayo ng solusyon sa problema sa pagitan ng China at ng Filipinas,” ani Marcos sa panayam nitong Martes ni Leo Lastimosa ng DYAB-Cebu.

“Bagama’t nagkasundo ang dalawang panig na huwag pag-usapan ang isyu nang agawan sa teritoryo sa APEC summit, isang magandang pagkakataon pa rin ito para magkaroon ng top-level talks sa pagitan ng mga lider ng dalawang bansa.”

“Habang patuloy na nag-uusap ang dalawang panig may pag-asa na makahanap tayo nang mapayapang solusyon sa problema sa agawan sa teritoryo,” giit ni Marcos.

Maganda rin aniya ang nangyari kamakailan, dagdag ng Senador, na tila lumambot na ang posisyon ng China at nagpahayag ito na bukas na nilang pag-usapan ang isyu na International Law ang pagbabasehan.

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *