Friday , November 15 2024

‘Tanim-bala’ sabotahe sa ekonomiya — Lapid

ITINUTURING ni senatorial candidate Mark Lapid (Koalisyon Daang Matuwid/LP) na “economic saboteurs” o maliwanag na pananabotahe sa ekonomiya ang ginagawa ng mga tao o grupong nasa likod ng tanim-bala scam sa mga paliparan.

Kasunod nito, nanawagan si Lapid sa mga awtoridad at maging sa mga mamamayan na magtulungan na hulihin at parusahan ang mga taong nasa likod ng naturang insidente.

“Ako ay nalulungkot at galit. Nakalulungkot na ang ating bayan, OFWs at turista ay nasasaktan ng mga kriminal. Galit ako sa mga mapagsamantalang elemento, maging sila man ay sindikato o nanamantala lamang upang ipahiya ang ating pamahalaan. What they are doing is economic sabotage, given the tremendous contribution of tourism, our OFWs and airports,” giit ni  Lapid.

Ayon kay Lapid, dating general manager/COO ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), makapagbibigay ng takot at desmaya sa mga turista na nagnanais bumisita ng bansa at daraan sa NAIA, ang mga insidente ng tanim-bala scam. 

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *