Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pekeng kagawad ng TF Pantalan ipinaaaresto kay Almendras

082615 MPD Customs broker truck
MARIING nanawagan kahapon ang isang grupo ng broker na nakabase sa Bureau of Customs (BoC) kay Task Force Pantalan Chief Rene Almendras  na aksiyonan ang sinabing pananakot at pangongotong ng ilang nagpapanggap na kanyang tauhan.

Nabatid na simula nang batikusin ng ilang mamamahayag ang ilang tauhan ng naturang task force, may dalawang buwan umanong  tumigil ang operasyon sa panghuhuli.

Ngunit isang linggo na ang nakakaraan, muling naglunsad ng operasyon ang naturang grupo kahit walang “go signal.”

Napag-alaman sa mga broker na isang Kapitan na nagpapakilalang opisyal ng Manila Police District (MPD) at isang “alias Jun Kalabaw” na hindi naman deputized ng Task Force Patalan ang umano’y nanghuhuli ng illegal smuggling.

Modus operandi umano ng dalawa na takutin ang ilang broker sa BoC at kapag hindi nagbigay ng ‘lagay’ huhulihin ng Task Force Patalan.

Nabatid, sa  bawat isang container van, ang hinihingi umanong ‘lagay’ ay nasa P5,000 hanggang P10,000.

Panawagan ng grupo ng mga broker kay Almendras, aksiyonan sa lalong madaling panahon ang umano’y pananakot at pangingikil ng mga nagpapanggap na miyembro ng Task Force Patalanan.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …