Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Laborer nakoryente sa ginagawang fly-over sa NAIA

082515 electricity kuryente
ISINUGOD sa pagamutan ang isang pump crate operator makaraan makoryente sa itinatayong flyover ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA Project) sa Pasay City kahapon.

Mula sa Villamor Air Base Hospital, inilipat sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang si Raffy Ugalino, 27, may asawa, kawani ng DMCI Construction Corporation, at nakatira sa Palar Compound, Makati City, dumanas ng 3rd degree burn sa katawan.

Sa isinumiteng report na natanggap ni Senior Supt. Joel Doria, hepe ng Pasay City Police, naganap ang insidente dakong 9 a.m. sa construction site ng flyover ng NAIA Project sa Circulo Del Mundo, Andrews Avenue, Villamor, Brgy. 183, Zone 20 ng naturang lungsod.

Habang nag-o-operate ng heavy equipment ang biktima, napadikit siya sa kable ng Meralco kaya nakoryente at nawalan ng malay. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …