Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ex-call center agent nagtangkang pasagasa sa MRT, 3 sugatan

INARESTO ng mga pulis ang isang dating call center agent na nagtangkang magpasagasa sa Metro Rail Transit (MRT) makaraan tatlong pasahero ang masugatan sa insidente sa Makati City, kamakalawa.

Si Mark Robert Connor, 31, ng 6945 Washington St., Brgy. Pio Del Pilar ng lungsod, ay nasa kustodiya na ng Makati City Police.

Habang ang nasugatang mga pasahero ay sina Elisa Aying, 45, ng Block 4, Lot 20, Istana Subdivision, Brgy. Malagasang, Imus, Cavite; Lolita Hermeginio, 60, biyuda, ng Masuso, Pandi, Bulacan, at Julie Ann Tentativa, 26, ng Ilaya, Barangka, Mandaluyong City.

Base sa reklamo ng Department of Transportation and Communication (DoTC), MRT 3, sa tanggapan ni Makati City Police chief, Sr. Supt. Ernesto Barlam, dakong 4 p.m. nang maganap ang insidente sa southbound lane ng MRT-Ayala Station ng naturang lungsod.

Salaysay ng gwardiyang si Robert Lee Reonal, habang siya ay naka-duty, nakita niyang nagtangkang tumalon ang suspek na si Connor ngunit nakapagpreno ang operator ng tren kaya hindi siya nahagip.

Ngunit dahil sa biglaang pagpreno ay nasubsob ang mga pasahero na ikinasugat ng tatlong biktima.

Si Connor ay dinala sa himpilan ng pulisya at sinampahan ng kasong alarm and scandal.

Habang ang mga sugatan ay dinala sa Ospital ng Makati upang malapatan ng lunas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …