Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Camille Prats, iba na ang priorities ngayon

082015 camille prats
INAMIN ni Camille Prats na nagawa na niya ang gustong gawin niya unang naging asawa.

“Pagdating sa married life, I think I was able to do naman anything that I wanted to do in that periods. Nagawa ko naman lahat ang gusto kong gawin sa aking first husband,” panimula ni Camille nang minsang makausap namin ito.

Sa muling pag-aasawa, sinabi nitong may kaunting pagkakaiba. “Siguro you’re older and wiser, mas nag-iiba na ang priorities mo. Parang mas madali to start a family at this age kasi mas malawak na ang pang-unawa mo,  mas malawak na rin ang mga natutuhan mo unlike before kasi ang tendency medyo compulsive ka at selfish ka pa kasi bilang bata, you always think about yourself eh.  Pero ngayon mula noong nagkaanak, palagi kong iniisip what’s best for my son, for my partner before myself.”

Inamin din nito na dininig ng Diyos ang kanyang mga dasal na muli siyang magkaroon ng asawa. “I did lahat naman po na mayroon ako ngayon.  Lahat ‘yun ay bigay ni God at naniniwala ako roon.  Lahat ng nangyari sa buhay ko, it’s because of God. But VJ (asawa ngayon) entering into my life is not something that I look for, hindi ko siya hinanap, hindi ko trinabaho, kusa siyang dumating sa buhay ko,” paglilinaw pa ni Camille.

Masaya sa nangyayari sa kanyang buhay ngayon si Camille. “Hindi ko inaasahan na ganito ka-aga mangyayari (proposal at kasal). Welcome naman ang pangyayari dahil hindi naman po kami bumabata tapos, we’re both mature entering this relationship. We really wanted it for keeps.”

Napaaga ang engagement nila dahil, “Kasi, he needs to go back to the States, ako naman, ang dami ko pa ring trabaho and things to do. Tapos hindi naman kami ganoon nagmamadali na magpakasal agad. Mas maganda kung malinis muna lahat ‘yan before settling.”

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …