Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ama tepok, 8-anyos anak sugatan (Pedicab sinalpok ng multicab)

PATAY ang isang ama at malubha ang 8-anyos niyang anak na batang babae makaraan salpukin ang sinasakyan nilang pedicab ng isang multicab kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Kinilala ang biktimang si Piolito Aloccilja, 36, nakatira sa #2142-14 Adriatico St., Malate, Maynila, nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Pasay City General Hospital (PCGH) dahil sa matinding pinsala sa katawan.

Ang anak niyang si Princess Barientos, residente rin ng naturang lugar, ay nilalapatan ng lunas sa nabanggit na pagamutan.

Habang nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na si Gilbert Reyes, 40, ng San Jose del Monte, Bulacan, nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and frustrated homicide.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Mark Jun Dialde Anaviso, ng Pasay City Traffic Bureau, naganap ang insidente 10:30 p.m. sa Southbound lane ng Macapagal Avenue ng naturang lungsod.

Sakay ang mag-amang biktima ng isang pedicab at habang binabagtas ang naturang lugar ay biglang sumulpot ang isang Mitsubishi FB Body (multicab) na may plakang TXL0985, na minanameho ni Reyes.

Huli na bago nakontrol ni Reyes ang preno ng sasakyang kanyang minamaneho, dahilan upang masalpok nito pedicab ng mga biktima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …