Sunday , December 22 2024

Bombay tiklo sa P1-M sex drugs

ARESTADO ng mga operatiba ng Southern Police District Office (SPDO) ang isang Indian national na sinasabing nagbebenta ng party at sex drugs sa ilang club at bars, at nakompiska sa kanya ang tinatayang P1 milyong halaga ng droga kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Base sa ulat na ipinarating ni Supt. Lorenzo Trajano, hepe  ng District Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group, kay District Director, Chief Supt. Henry Ranola Jr., ng SPDO, kinilala ang suspek na si Prakash Gulraj Mahtani, 57, ng 7946 Tika St., Kamagong, Makati City, nakapiit na sa detention cell ng SPD.

Sa isinagawang buy-bust operation ng SPDO, Anti-Illegal Drugs, dakong 7 p.m. nang maaresto si Mahtani sa Pasong Tamo, Makati City.

Nagpanggap na isang poseur buyer ang isang alagad ng batas na naging daan upang maaresto ang dayuhan.

Nakuha mula pag-iingat ng suspek ang 10 pirasong Valium; Mogadon, isang uri ng anti-anxiety drugs; 30 pirasong Ketamine, isang uri ng injectable drugs na ginagamit para ganahang makipag-sex; 560 pirasong Xanax; 750 pirasong Nitravet; 700 pirasong Nitrosum; 20 pirasong Cialis; 380 pirasong Zopalet; 150 pirasong Alpraquil; 30 pirasong Bitarin; 80 pirasong Dormicum; 200 pirasong Pinix; 40 pirasong Rivotril; 13 pirasong Ecstacy, at 5 stick ng Marijuana, na ang kabuuang halaga ay tinatayang nasa P1 milyon.

Nakuha rin mula sa suspek ang P5,000 marked money na ginamit ng mga awtoridad para siya mahuli.

Sinabi ni Trajano, matagal na nilang minamanmanan at puntirya ang suspek dahil sa mga report kaugnay sa pagsu-supply ng droga sa ilang club at bars sa lungsod ng Makati.

Sasampahan ang suspek ng kasong  paglabag sa Republic Act 9165 o paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Makati City Prosecutor’s Office.

Inaalam ng pulisya sa Bureau of Immigration  (BI) kung illegal alien si Mahtani.

About Jaja Garcia

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *