Monday , November 18 2024

Who, where, what? Para kay Nietes

030715 Donnie Ahas Nietes
MARAHIL, liban lang sa petsa, ang lahat ay naiwang nakabitin para sa long-reigning Pinoy boxing champion Donnie ‘Ahas’ Nietes at ang susunod niyang laban.

Sa pagkakaalam ni Nie-tes, minarkahan na ng kanyang mga promoter mula sa ALA Boxing na sina Tony at Michael Aldeguer and ka-lendaryo para sa Nobyembre 12 sa pagbabalik niya sa boxing ring.

Ngunit kung sino ang makakalaban niya, kung anong fighting weight at saan gaganapin ang laban ay nananatiling katanungan pa.

“Sinabihan ako, Nob-yembre 28,” ani Nie-tes, kasalukuyang World Boxing Orgaization (WBO) light-flyweight champion simula pa noong Oktubre 8, 2011, at world champion sa halos walong taon na.

Kung siya ang masu-sunod, nais ni Nietes na lumaban sa kanyang lalawigan sa Bacolod. Maaaring pagdepensa ito sa kanyang 108-lb title o tuneup fight para sa 110 lb.

Kung magdedesisyon namang itaas ang kanyang timbang sa flyweight, gusto ni Aldeguer ng tuneup sa 110 para masubukan muna ni Nietes kung ano ang sitwasyon.

Sinabi rin ni Aldeguer na maaaring mapalaban si Nietes sa Dubai sa kabila ng magandang alok para pumunta ang kampeon sa Japan.

Sa nakalipas, inisip ni Nietes pumanik sa mas mabigat na timbang para magawang hamunin sa 112 alin man kay Roman Gonzalez ng Nicaragua (World Boxing Council), Juan Francisco Estrada ng Mexico (WBO), Amnat Ruenroeng ng Thailand (International Boxing Federation) at Kazuto Ioka ng Japan (World Boxing Association).

“Kahit sino sa kanila (Any of them),” wika ni Nietes.

“Excited ako lumaban sa Bacolod kasi hometown ko. Last time ko lumaban doon 2011 pa (I’m excited to fight in my hometown. The last time I fought there was in 2011),” dagdag ng longest reigning Pinoy champ.

Ngunit sinabi rin na nasa kanyang mga promoter ang desis-yon.

“Depende kay sir. Kung gusto nila ako umakyat sa 112 okay lang. Kung gusto pa nila ako sa 108 okay din,” aniya.

At may ilan pa rin laban sa 108 class, salungat sa napaulat sa nakalipas na mga buwan.

“Meron pa rin naman,” ani Nietes sa pagtukoy kina light-flyweight champion Pedro Guevarra ng Mexico (WBC), Javier Mendoza ng Mexico (IBF) at Ryoichi Taguchi ng Japan (WBA).

Sa ngayon, punto ni Nietes, wala pang tiyak.

“It’s a choice,” pagtatapos ng kampeong binansagang Ahas.

ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *