KAILANGAN pang pagdebatehan kung ang mga eskultura ng Korean artist na si Dongwook Lee’s ay ‘thought-provoking’ o ‘titillatingly disturbing’ ayon sa mga nakatanaw rito?
Ang maganda nga lang kasi sa sining ay mayroon itong malayang lisensiya para sa mga practitioner nito — abstract man o anong uri pa, maaaring ipakita ang damdamin sa alin mang paraan.
Ang mga miniature sculpture ni Lee ay mga human nudes na masasabing ‘out-of-place’ sa mga set ng isang horror movie. Ngunit may kinauukulan ding level ng pagkamaselan (delicateness) ang ‘shock value’ nito.
Nagbibigay indikasyon ang Mongoloid features ng mga karakter sa eskultura na ang gumawa ay sinusubukang makapag-lagak ng lokal na perspektiba sa kanyang mga likha. Dahil dito, nakapagtanghal na si Lee sa iba’t ibang sentro ng si-ning sa buong mundo, kabilang sa mga lungsod tulad ng London, Copenhagen, Buenos Aires at Santiago.
Ayon sa Arario Gallery na kumakatawan kay Lee: “Ang kanyang oeuvre ay napapahanay sa pagkukrus ng buhay at kamatayan, kagandahan at kalupitan, sibilisasyon at kabangisan, at realidad at pantasya, para mabuksan ang daigdig ng pantasya na ang mga tao’y pi-nuputol ang kaugnayan sa realidad.”
Isinilang si Lee sa Daejeon, South Korea ngunit naninirahan ngayon sa Seoul, South Korea. Dito siya nagsimula bilang retratista at kalaunan ay naging matagumpay na eskultor kasunod ng kanyang mga critical success sa commercial at fine art world.
Kabilang sa mga tinanggap niyang parangal ang HP (Hewlett-Packard) Turn-on Digital Award Grand Prize noong 2007, 3rd place winner sa International Photography Awards sa Estados Unidos noong 2014, Hariban Award Finalist sa Japan noong 2014 din, DAM Contemporary Art Contest finalist sa Milan, Italy noong 2014 pa rin at Springmastersny sa Korea International Art Fair noong 2015.
Kinalap ni Tracy Cabrera