Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Todo-tanggi si Erice

EDITORIAL logoTOTOO bang si Rep. Edgar Erice ay nagbigay ng P1 milyon kay Rizalito David para matuloy ang disqua-lification case ni Sen. Grace Poe sa Sen-ate Electoral Tribunal?

Mabilis na tinugon ito nang hindi ni Erice.

Ayon kay Erice, ang nagpakalat umano ng ganoong balita ay galing sa mga grupong ayaw na matuloy ang tandem nina Interior Sec. Mar Roxas at Poe.

Pero kung susuriing mabuti, mukhang may lohika ang kumalat na balitang Liberal Party (LP) ang may pakana ng paghahain ng kaso sa SET ni David laban kay Poe.

Kung magpapadala kasi sa pressure si Poe, malamang na tanggapin na lamang niya ang alok ng LP na maging running mate ni Roxas.

Pero ang nangyari, sa halip makaramdam ng pressure si Poe sa mga ‘gumigiba’ sa kanya, tahasang ipinahayag na nakahanda siyang harapin ang ano mang kasong isasampa sa kanya lalo na sa usapin ng kanyang citizenship.

Lumalabas tuloy na palpak ang ginagawang atake ng kung sino mang grupo laban kay Poe. 

At sa halip na tumakbong running mate ni Roxas, mukhang hindi na ito mangyayari.

Ang tanong, saan napunta ang pinag-uusapang P1 milyon suhol daw kay David?

E, wala ngang alam si Erice.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …