Saturday , January 11 2025

Modernong full body scanner nasa NAIA na

Sinubukan kahapon ang makabagong full body scanner na gagamitin ngayong buwan bilang bahagi ng pagpapalakas ng seguridad sa lahat ng terminals ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang P149.5-million scanner, EQO portal system, na ilalagay sa final security screening checkpoints ng NAIA, ay isang uri ng teknolohiya na nakikita ang anumang bagay na nakatago sa katawan ng tao.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), ligtas sa mga buntis at yung mga taong may mga body implants dahil napakababa ang radiation nito.

Kabilang sa mga made-detect ng body scanner ay ceramics, liquids, metals, narcotics at explosives.

Kailangan lamang pumihit ng 360 degrees ang pasahero sa open booth ng EQO portal para ma-scan ang buong katawan nito upang makita sa monitor ng scanner kung mayroong kakaibang bagay sa katawan ang isang tao.

Hindi na kailangan pang kapkapan ang mga individual na papasok sa loob ng terminal dahil sa bungad pa lang pinapayuhan na silang tanggalin ang anumang mga bagay na dala nila. 

Siniguro rin ng MIAA na hindi makaaapekto sa privacy ang naturang body scanner.

Dagdag ng MIAA, tatlong units ng scanner ang mapupunta sa Terminal 1; limang units sa Terminal 2; limang units sa Terminal 3; at isang unit sa Terminal 4.

Nasimulan ang bidding nito noong Pebrero 2013 naigawad sa Defense & Protection System (Phil), Inc., noong Nobyembre 2014 ang total bid na P149,554,720.

About G. M. Galuno

Check Also

Rank no 9 MWP ng Laguna arestado

Rank no. 9 MWP ng Laguna arestado

NADAKIP ang lalaking nakatalang pangsiyam na most wanted person sa provincial level sa isinagawang joint …

Arrest Shabu

3 high-value drug pusher sa Pampanga tiklo P.68-M shabu nasabat

NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong nakatalang high-value individuals (HVI) at nasamsam ang tinatayang 100 …

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP 17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP
17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

ARESTADO ang 17 indibiduwal na binubuo ng pitong personalidad sa droga, pitong wanted na kriminal, …

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

ALINSUNOD sa atas ni National Bureau of Investigation (NBI) Director (ret) Judge Jaime B. Santiago …

SM Foundation PRC FEAT

SM Foundation, PRC Qc Chapter join hands to establish clinical laboratory

PRC QC Chapter Gov. Ernesto S. Isla, SMFI Executive Director for Health & Medical Programs …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *