Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kia, RoS makakakuha ng “winner”

061915 PBA rookie draftHINDI na siguro magbabago pa ang isipan ng mga taga-Talk N Text sa pagkuha sa Fil-Tongan na si Moala Tautuaa bilang number One pick sa darating na 2015 PBA Rookie Draft na magaganap sa Agosto 23 sa Robinson’s Place Manila.

Ito ay kahit na lumahok pa sa Draft si Bobby Ray Parks.

Sa pananaw ng mga basketball scouts, si Tautuaa ang”dabes” sa mga nagsipag-apply sa Draft.

Siya rin naman ang naging No. 1 pick sa nakaraang PBA D-League Draft kung saan kinuha siya ng Cagayan Valley Rising Suns bago nalipat sa Cebuana Lhuillier.

Sayang nga lang at bilang manlalaro sa D-League ay hindi nakatikim ng kampeonato si Tautuaa. Sa dalawang conferences ay natalo ang kanyang koponan sa Hapee Toothpaste sa magkahiwalay na serye.

Well, yamang sigurado na si Tautuaa bilang No. 1 pick, nakatuon ang pansin ng karamihan sa kung sino ang magiging No. 2.

Hawak ng Kia ang No. 2 pick at mamimili ito kina Norbert Torres at Troy Rosario na kapwa miyembro ng RP team na nagkampeon sa huling Southeast Asian Games basketball competition. Parehong big men sina Torres at Rosario.

Kung sino ang hindi kukunin ng Kia ay kukuning tiyak ng Rain Or Shine na pipili sa No. 3.

Sinuman sa dalawang ito ay tiyak na makapagbibigay ng magandang impact sa koponang masasalihan nila.

Ang dalawang manlalarong ito ay mga champions noong nasa kolehiyo pa sila. Si Torres ay kabilang sa La Salle Green Archers na nagkampeon noong 2013 samantalang si Rosario ay miyembro ng National University Bulldogs na nagkampeon noong nakaraang taon. Bukod dito ay miyembro si Rosario ng Hapee Toothpaste na nagwagi sa Aspirants Cup.

So, may winning tradition ang dalawang ito. Hindi tulad ni Tautuaa na hindi pa nagkampeon.

Kaya naman masasabing masuwerte na rin ang Kia at Rain Or Shine dahil tiyak na makakakuha sila ng ‘winner!’

SPORTS SHOCKED – Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …