Sa kabila ng napabalitang hinigpitan na ng PHILRACOM ang pagbabantay sa mga kilalang class-A riders ay harinawa na huwag na huwag nilang palalagpasin ang dalawang hinete na nakapagbigay ng sama ng loob sa mga BKs nitong nagdaang araw ng Linggo na pakarera sa SLLP.
Iyan ay sina Pati Dilema at Mark Alvarez sa mga kabayong Killer Hook at June Three ayon sa pagkakasunod. Kawawa din naman ang koneksiyon ng mga nasabing kabayo, dahil hindi biro ang mga gastusin nila sa kuwadra.
May mga BKs na nakailag kay Killer Hook dahil negatibo ang nakita nilang parada, samantalang kay June Three pa lang ay may negatibong info na bago pa man magsimula ang karera na hindi ito paniguro at paninggel sa unang set ng WTA at Pick-6 event.
REKTA – Fred Magno