Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Babaeng may pinakamahabang legs sa buong mundo

080615 dong lei long legs
MALAKI ang pag-asa ng isang modelong Chinese na makamit ang titulong babaeng may pinakamahabang mga legs sa mundo.

Nagpasya si Dong Lei, 20-anyos, na umalis sa eskuwelahan para makapag-aral at maging isang nursery school teacher. Sa taas niyang 1.82 metro (halos 6 talampakan), siya ang pinakamatangkad sa kanyang mga kamag-aral.

At ang kakaiba niyang tangkad sa China ay bunga nang mahahaba niyang legs, o binti, na umaabot ng 1.15 metro (3 talampakan at 9 na pulgada) sa haba. Ang average height ng kababaihan sa China ay nasa 1.57 metro lamang, o 5 talampakan at 2 pulgada.

Ani Dong: “Binanggit sa akin ng aking mga guro na dapat sana’y sinubukan ko ang modelling nang mapansin nila ang mahahaba kong binti, at nang tingnan ko nga na-realize kong malaki ang posibi-lidad na ako ang may pinakamahabang legs sa buong mundo.”

Nalaman ni Dong na ang sikat na German model na si Nadja Auermann, 44, ay nakapagtala ng Guinness World Record dahil sa kanyang mahahabang binti na may sukat na 1.12 metro.

Nangangahulugan na mas mahaba ang paa ni Dong.

Makaraang magpunta sa isang lokal na modelling agency, nakita na lang din ng dalaga ang pagkapuno ng kanyang sche-dule sa sunod-sunod na modelling work dahil sa kanyang matayog na tindig. Siya ngayon ay naging ‘in demand’ sa mara-ming fashion event. Simula noon, hindi na niya nagawang magbalik-tanaw sa kanyang nakaraan.

Sa ngayon, hinihintay pa ng dalagang nursery teacher na naging modelo mula sa Wuhu, Anhui province sa central China, na maibigay sa kanya ang titulong “babaeng may pinakamahabang legs sa buong daigdig.”

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …

Christine Dayrit 60 Dream Holidays Around the World

Lipa City Top Global Destination sa 60 Dream Holidays Around the World ni Cristine Dayrit

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez LIPA, isang lungsod sa Batangas na paboritong local destination ng may …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …