Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Utak sa P500-M investment scam arestado

ARESTADO ang isang babaeng sinasabing utak ng isang investment scam sa entrapment operation na isinagawa ng PNP sa Better Living subdivision, Parañaque City.

Si Mary Angelaine Libanan, 25, ng 121 Citadela Drive, Citadela Executive Village, Las Piñas City ay nakapiit na sa detention cell ng Parañaque Police, habang pinaghahanap ng pulisya ang partner niyang si Mark Anthony Martirez, 24, residente rin sa naturang lugar.

Sinabi ni Parañaque City Police chief, Sr. Supt. Ariel Andrade, dumulog sa kanilang tanggapan ang 30 katao upang ireklamo ang ginawang panloloko sa kanila ng dalawa.

Sa pahayag ng mga biktima, nag-invest sila ng pera kina Libanan at Martirez noong Mayo hanggang Hulyo 31, 2015 na umabot sa halagang P500 milyon na tutubo ng 20 porsiyento kada 28-araw.

Ang inaasahang tubo ng mga naging biktima ay hindi naibigay nina Martirez at Libanan at lagi umano silang pinagtataguan ng dalawa.

Sa follow-up operation ng mga tauhan ng Parañaque Police, naaresto dakong 11 p.m. si Libanan sa Better Living Subdivision, Brgy. Don Bosco, Parañaque City habang si Martirez ay nakalalaya pa.

Ayon sa pulisya, kabilang sa nabiktima ng mga suspek ang anak ni Senador Juan Ponce Enrile.

Habang pinabulaanan kahapon nina Parañaque City Mayor Edwin Olivarez at Congressman Eric Olivarez na may kaugnayan sa kanila ang naarestong si Libanan .

Sinasabing ginagamit ng mga suspek ang kanilang pangalan sa ilegal na transaksiyon.

Sa opisyal na pahayag ni Mayor Olivarez, noong Hulyo 27, 2015, sumulat siya kay National Bureau of Investigation  (NBI) Director Atty. Virgilio Mendez, para paimbestigahan ang scam ng dalawa makaraan silang makatanggap ng reklamo na ginagamit ng dalawa ang kanilang pa-ngalan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …