Friday , November 15 2024

10-anyos totoy nagbigti (Pinagalitan ng titser, nakipag-away)

NAGBIGTI ang isang 10-anyos batang lalaki kamakalawa ng gabi sa siyudad ng Muntinlupa.

Wala nang buhay ng idating sa Alabang Medical Hospital ang grade 3 pupil na si Chris, natagpuang nakabigti sa pader ng kanilang bahay sa Phase 3, Southville, Brgy. Poblacion ng lungsod.

Base sa ulat na natanggap ni Muntinlupa City Police chief, Sr. Supt. Allan Nobleza, kasalukuyang nasa bahay ang kapatid ng biktima na si Rosemarie kasama ang nobyo nang dumating si Chris dakong 6:20 p.m. galing sa paaralan.

Habang nanonood ng telebisyon, inireklamo ng biktima sa kanyang ate na pinagalitan siya ng kanyang titer sa kanilang paaralan. Ngunit hindi nabanggit sa report kung ano ang dahilan.

Makaraan ang ilang sandali ay nakita ni Rosemarie na kinakalas ng biktima ang handle ng kanyang bag at pinaglaruan.

Hanggang dumating sa kanilang bahay ang isang Andy Perez at isinumbong na inaway ang kanyang anak ni Chris.

Bunsod nito, hinanap ni Rosemarie ang kapatid upang tanungin kung bakit nakipag-away, ngunit hindi niya natagpuan ang biktima.

Dakong 7 p.m. ipinasya ni Rosemarie na hanapin ang kanyang kapatid sa likod ng bahay at nagulantang nang makita ang kapatid habang nakabigti sa pader ng bahay gamit ang handle ng bag.

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *