Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Presidente ng homeowners itinumba

PINAGBABARIL hanggang mapatay ang presidente ng homeowners association ng hindi nakilalang armadong suspek sa Taguig City kahapon.

Namatay noon din ang biktimang si Datu Abdul, 56, ng 71 Maguindanao St., Purok 3, Brgy. New Lower Bicutan, pangulo ng Lot Association sa C-6, Brgy. Napindan, Taguig City.

Si Abdul ay tinamaan ng mga bala ng M-16 armalite rifle sa iba’t ibang parte ng katawan .

Base sa isinumiteng report kahapon ni Taguig City Police chief, Sr. Supt. Arthur Felix Asis sa tanggapan ni Chief Supt. Henry Ranola, district director ng Southern Police District Office (SPDO), nangyari ang pamamaril dakong 8:50 a.m. sa Maguindanao St., IRM, Brgy. New Lower Bicutan.

Habang nakatayo ang biktima sa lugar, biglang sumulpot ang suspek na nakasakay sa motorsiklo at pinaulanan ng bala ng armalite si Abdula.

Patuloy ang follow-up operation ng pulisya kaugnay sa insidente at inaalam ang pagkakakilanlan ng suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …