BAHAGI ng trabaho ay barilin ng bawat bagong batch ng mga paint bullet para matiyak na ang lahat ng mga health at safety check ay nasa ayos bago ipagamit sa publiko at nagbabayad na mga kostumer, ayon sa advertisement.
Ngunit ang nasabing trabaho, na may suweldong £40,000 kada taon (humigit-kumulang sa US$62,000), ay hindi para sa mga sissy o tanga: “Maaaring magkaroon ng small risk ng sakit, discomfort, at pamamasa sa katawan,” at kailangang may ‘mataas na pain threshold’ ang sino mang indibiduwal na nais magtrabaho nang ganito.”
Ilang oras lang din kada araw ang igugugol ng sinomang nais na maging target ng paintball at kung minsan, kabilang dito ang matamaan habang suot ang ‘limitadong bilang ng damit’ para mapaghandaan ang sinasabing ‘worst case scenario.’
“Mahalaga na magsagawa kami ng mga health at safety check bago ang alin mang bagong mga batch ng paint ball ay ibinenta sa mga nagbabayad na kostumer,” wika ni Justin Toohig, ang pundador ng kompanya, sa panayam ng Unilad.
Kasama rin sa posisyon bilang paintball target, batay sa alituntunin ng English town na Horsham, ang ‘extremely flexible hours’ at ‘travel expenses’ kaya magkakaroon ng maraming oras o panahon para pagalingan ang ano mang sugat at pasa sa katawan habang bumibiyahe sa iba’t ibang lugar!
Kinalap ni Tracy Cabrera