Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Holdaper patay, parak 1 pa tiklo sa Pampanga

041815 dead gun crime

CAMP OLIVAS, Pampanga – Arestado ang isang pulis at isa pa niyang kasamahan habang patay isa pang holdaper makaraan manlaban sa nagrespondeng mga awtoridad sa Gabalndon, Nueva Ecija kamakalawa ng hapon.

Batay sa ipinadalang report kay Central Luzon OIC, Chief Supt. Ronald Santos, kinilala ang mga suspek na sina PO1 Alvin Belmonte, 38, ng Palayan PNP, residente ng Sta. Rosa, at Reynaldo Gozon, 45, ng Rizal, kapwa ng Nueva Ecija.

Habang agad binawian ng buhay ang isa nilang kasama na hindi pa nakikilala.

Ayon sa Gabaldon PNP, bandang 4:30 p.m. nang makatanggap ng tawag ang himpilan ng pulisya hinggil sa naganap na pagholdap sa isang Isuzu closed van (RKF-339) na kargado ng Mighty Marvel cigarettes.

Sa isinagawang ‘Lambat Sibat’ operation, natunton ng mga operatiba ang mga suspek sa Dupinga River at naganap ang palitan ng putok na nagresulta sa pagkamatay ng isang suspek at pagkahuli kina Belmonte at Gozon.

Narekober mula sa mga suspek ang .45 cal. at .38 cal., at mga bala, malapad na scotch tape, at iba’t ibang ID.

Nabawi rin ng pulisya ang hinoldap na Izusu closed van.

(RAUL SUSCANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Raul Suscano

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …