Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Drug pusher na, gun for hire pa patay sa shootout (1 pa kritikal)

PATAY ang sinasabing kilabot na tulak ng droga at upahang mamatay tao habang nasa kritikal na kondisyon ang kanyang kasama, at sugatan ang isang pulis sa palitan ng putok kahapon ng umaga sa Makati City.

Agad binawian ng buhay ang suspek na si Christopher Cruz alyas Balo, nasa hustong gulang, ng P. Mariano St., Brgy. Ususan, Taguig City, tinamaan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Habang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Makati ang kasama niyang si John Paul Soria, 26, ng 82 P. Mariano St. ng nasabi ring barangay, tinamaan ng bala sa mukha at katawan.

Samantala, ginagamot sa Makati Medical Center si SPO2 Donnie Tidang, nakatalaga sa Intelligence Unit ng Makati City Police, dahil sa mga tama ng bala sa braso at hita.

Sa pagsisiyasat ni SPO2 Jayson David, naganap ang insidente dakong 6:10 a.m. sa Adahlia St., Brgy. Rizal, sa naturang lungsod.

Nagsasagawa ng follow-up operation si SPO2 Tidang sa naturang lugar dahil matagal nang wanted sa batas si Cruz.

Ngunit hindi akalain ni SPO2 Tidang na may nakapagbigay ng tip kay Cruz na pinaghahanap siya.

Makaraan ang ilang saglit, dumating ang mga suspek na lulan ng motorsiklo at tinutukan si SPO2 Tidang.

Ngunit naging mabilis  si SPO2 Tidang, naunahan niyang paputukan ang mga suspek hanggang magpalitan ng putok.

Napuruhan ang mga suspek hanggang malagutan ng hininga si Cruz habang si Soria ay isinugod sa pagamutan gayondin si SPO2 Tidang na sugatan din.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …