Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Johann Mendoza, tatapatan daw si Jay-R

072715 johann mendoza

NARINIG namin ang recorded songs ni Johann Mendoza at namangha kami sa taas ng voice range nito. Kaya, naisip namin na kung sasali ito sa The Voice, tiyak na sabay-sabay lilingon sina Lea Salonga, Bamboo, at Sarah Geronimo.

“Actually po sa ‘The Voice Season 2’ ay maraming nagtutulak sa akin na sumali pero never kong itinuloy dahil mayroon akong mga rason. Una, kapag sumali ako ay dapat handa na ako sa mundong ‘yon dahil may nakausap kami na may may palakasan daw. Dapat may kilala ka sa loob para manalo. Kaya, if you cannot play with it, why should I join? Secondly, kung gusto kong makipaglaro, dapat isipin ko kung paano ako magiging standout sa iba. Para sa akin, this is a competition, you aim to win hindi para ma-expose,” pahayag nito.

Kaya nag-decide na lang itong mag-concert at magaganap ang My Way, My Time concert sa Music Museum sa August 7.

Aminado si Johann na malakas ang loob niyang mag-concert dahil sa rami ng followers niya sa social media.

“May nakapanood sa akin sa YouTube na may nag-like na umabot sa 7,000 at talagang nag-insist sila na mag-concert ako. Sa Facebook, may 20,000 likes ako at may kanta ako na nagkaroon ng 400,000 likes,” tsika ni Johann.

Born in Baguio pero lumaki sa Belgium si Johann at sa unang tingin sa kanya, pormang ‘astig’ pero hindi naman bastos. “My image will tell you that I am a bad boy kasi when you look at me, I’m not, you know, exactly the boy-next-door dahil sa aking skin head, maraming tatoo at medyo magaspang ang ways ko but it doesn’t mean, I’m a bad boy ‘di ba? So image-wise at saka ‘yung boses din na sabi nila, my voice is raw, edgy o maangas.”

Una siyang naging vocalist ng Brown Flava, K24/7, at Voices of 5. Isa rin siyang composer at komposisyon niya ang Come Back To Me na naging daan para mapasama siya sa isang compilation ng various international singers entitled Dream Sounds 3.

Nanalo siya ng People’s Choice Award para sa awiting Your Smile (with K24/7 noong 2009 at 2010). Nagkaroon siya ng 18,000 organic followers sa loob ng apat na buwan dahil sa kanyang cover songs na naging viral tulad ng Listen ni Beyonce, I Have Nothing ni Whitney Houston, at How Am I Supposed To Live ni Michael Bolton.

Napili siya ng Muzu.TV bilang isa sa winners ng Muzuunveils dahil sa kanyang single na For Better or For Worse na napapanood sa 23 territory ng America, Europe, at Australia. Kaya guys, let’s give him way and welcome him sa kanyang pagpasok sa local entertainment, sa pinaghaharian ni Jay-Rna R&B genre via his concert, My Way, My Time na handog ng Quad East Multi-Media Production at XFactor Productions, Inc..

Giit pa ni Johann, kaya niyang tapatan si Jay-R na kapareho niya ng genre.

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …