Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Russian GM pinayuko ni So

042115 wesley so chess

PINAYUKO ni Pinoy grandmaster Wesley So si GM Ian Nepomniachtchi ng Russia sa round 5 ng 43rd Sparkassen Chess Meeting Dortmund 2015 na ginaganap sa Germany.

Pagkatapos ng 49 moves ng English opening ay pinaayaw ni third seed So (elo 2780) si Nepomniachtchi (elo 2709) sa event na may eight-player single round robin.

Nakaipon ng 2.5 points si So at kasalo niya si GM Arkadij Naiditsch (elo 2690) ng Germany sa fourth to fifth place.

Kapit naman nina GMs Fabiano Caruana (elo 2797) ng Italy at Nisipeanu Liviu-Dieter (elo 2654) ng host country ang unahan na may tig 3.5 points.

Pinisak ni top seed Caruana si ranked No. 2 GM Vladimir Kramnik (elo 2783) ng Russia matapos ang 38 sulungan ng Neo-Grunfeld.

Nakipaghatian naman ng puntos si Liviu-Dieter kay German GM Georg Meier (elo 2654) sa 42 moves ng Nimzo-Indian.

Solo sa tersero puwesto si Kramnik na may 3 pts. nasa pang anim na puwesto si world’s women’s No. 1 player Hou Yifan (elo 2676) ng China tangan ang 2 pts.

Tig 1.5 puntos naman sina Nepomniachtchi at Meier na nag-aagawan sa pang pitong puwesto.

Susunod na makakaharap ni So si Meier at sa seventh at last round ay katapat niya si Kramnik.

Kailangan manalo si So sa dalawang natitirang laro para magkaroon siya ng tsansa na masungkit ang titulo.

Makakalaban naman ni Caruana si Yifan at pagkatapos ay si Liviu-Dieter naman ang haharapin ng Italyano.

Sa ibang sixth at penultimate round pairings, magtatapat sina Nepomniactchi at Naiditsch habang makalaban sina Kramnik at Liviu-Dieter. (ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …