Iligtas natin si Jiro Manio
Jerry Yap
July 2, 2015
Opinion
DEMONYO talaga ang illegal na droga lalo ang shabu, kahit sino at kahit nasaang antas pa ng lipunan, hindi makaliligtas kapag nadale nito.
Kahapon, nakita ng madla kung ano ang nangyari kay Jiro Manio, isa sa magagaling nating actor sa sining ng pelikula.
Nagpalaboy-laboy sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3. Buti na lang at nakita siya ng ilang empleyadong Good Samaritan, na kahit kapos ang budget sa pagkain at pasahe, nagawang kupkupin si Jiro.
Hindi na lingid sa ating lahat na nalulong sa shabu ang dating batang aktor na umani ng iba’t ibang parangal sa kanyang pelikulang Magnifico.
Nagkaroon ng anak sa napakabatang edad, pero imbes na maging inspirasyon, e hindi siguro nakayanan ang responsibilidad kaya siguro napalungi at nalulong sa ilegal na droga.
Alam n’yo naman ang shabu, chemical ‘yan, pati utak ng tao ay kaya niyang sirain.
Anyway, ang kailangan po ngayon ni Jiro, ay mga kamay na aalalay at mga kaibigan o kaanak na susuportahan siya sa panahon na kailangan niyang bumangon.
Ang inyo pong lingkod ay personal na nakikipag-ugnayan para tulungan nating maka-recover si Jiro.
Nakahanda po ang Seagulls Flight Foundation Inc., isang therapeutic treatment and rehabilitation oundation, na tumutulong sa mga biktima ng substance abuse na muling makabangon para makabalik sa mainstream society.
Isa po ang inyong lingkod sa board of trustee ng Seagulls Flight at nanunungkulang treasurer sa kasalukuyan.
Pansamantala pong kukupkupin ng Seagulls si Jiro para isailalim sa isang programa na tutulong upang siya ay maiproseso hanggang maiahon sa kinasadlakan niyang pagkakalulong.
Unti-unti po natin siyang ibabalik sa mainstream society nang sa gayon ay maging matatag na haligi siya ng mga taong kaagapay niya sa buhay.
Sa mga pamilya at mga kaibigan po ni Jiro, makipag-ugnayan lang po kayo sa aming tanggapan para mabilis natin siyang maiproseso.
Iligtas po natin si Jiro!
‘Mang-aagaw’ ng RPT shares at barangay “Tupada w/ permit” Chairmen Awardee ng Maynila
NAPAKALILO talaga sa mamamayan ng administrasyon ngayon ng Maynila.
Noong agawan ng isang barangay chairman ng share sa Real Property Tax (RPT) ang limang barangay sa Tondo, Maynila, ito ay maliwanag na pagnanakaw.
Kaya nga inireklamo ‘yan sa Ombudsman.
Pero ngayong binigyan pa ng award ng local government ng Maynila ang chairman na solong nilamon ang RPT shares, ‘yan, malinaw na kataksilan ‘yan sa mamamayang Manileño?
Isang tunay na lilo, kumbaga true blooded traitor lang ang makagagawa n’yan.
Harap-harapan kung pagtaksilan ang bayan?!
Sinahugan pa ng isang chairman na walang ginawa kundi magpatupada sa kanyang barangay, na binigyan din ng award — aba sukdulang pang-iinsulto na ‘yan sa mga Manileño.
Kumbaga, tinadtad na ba ninyo sa TAGA, ang inyong constituents?
Magnanakaw ng RPT shares at barangay TUPADA sa Tondo, naging awardee noong ika-444 Araw ng Maynila?!
KAPALMUKS naman talaga!
Gov’t official lawit-dila habang nagdi-dirty text
GRABE naman ‘yang dila ng government official na ‘yan, Ka Jerry. Baka naman habang nagdi-dirty text si ‘tatang’ nakalawit pa ang dila?! Parang asong buang na hahaha!
#+63948814 – – – –
Kung ano ang puno siya rin ang bunga
HOY Miswa este Mison ba’t ‘di ka na lang mag-resign hindoropot ka?! Palitan na rin ‘yan si Elaine Tan-ga saksakan nang sinungaling sinasangkalan ni Miswa. Kung paano maging ‘di totoo sa publiko sa pambabastos ng mga alaga nila na mababait sila kuno. Ano bang tagline ng BI Bad Guys Out, Good Guys In?! Pwede Miswa, ikaw ‘yung bad, mga wang bo kayo!
– Louie Alcazar of Q.C. #+63942824 – – – –
Maraming salamat po sa walang sawang pagsubaybay at pakikinig
KATAPAT. Pamagat pa lang nag programa, hitik na at talagang masasabing mabubusog pagdating sa mga kaalaman at lalo na sa mga katotohanan at pati na rin sa mga kasaysayang napaka-importanteng pinagtutuunan sana ng bwat mamamayan na isang sangkap para sa pagiging bukas ng mga isipan. Iba talga ang ibinubunga pagdating sa paghahayag ng tama. Kayamanang kaalaman na patuloy na umuukit sa puso at isipan. Ika nga, nasa tao na lng ang desisyon kung paano pipitasin ‘yang tama at mabu-ting bagay. Mabuhay po kayo.
#+63919566- – – –
Masugid na tagapakinig
Pagdating sa pagbusog ng kaisipan at maging sa kaalaman sa programang Lapid Fire na Katapat na ngayon lang talaga ang hitik pagdating sa kamulatan ng mga isipan ito’y laging nakauugnay sa mabubuting bagay. ‘Ika nga laging nasa tamang katwiran at higit sa lahat ‘yung gumagamit ng sentido kumon na kailangan ay inaaral. Karamihan ito ay pupukaw sa mga gutom na pag- iisip at magtuturo na rin kung paano pipitasin ang tama at matuwid na paninindigan sa bawat mamayang bukas ang mga isipan. Salamat at mabuhay kayo riyan. -Katropa Donald ng Sta. Maria, Tondo, Manila.
#+63919665 – – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com