Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga walang kinatatakutang ilegal na pasugalan sa South-Metro Manila

00 firing line robert roqueBAKIT patuloy na namamayagpag ang mga ilegal na pasu-galan at walang kinatatakutang huli sa South Metro-Manila?

Ayon sa aking mga espiya, sa Pasay ay nagkalat ang lotteng, bukis ng karera, easy-2 at ending. Ang bangka ng mga sugal ay isang “Jun Lakan” at ang tagapamahala ng ilegal na negosyo ay isang “Bong Jose.”

Nakabase ang operasyon nila sa kalye Zamora at Primera de Mayo pero buong Pasay ang kinokolektahan ng taya.

Protektor nila ang tagabigay raw ng intelihensya sa ilang tiwaling opisyales ng Pasay City Hall. Ito ay walang iba kundi isang konsehal na mukha umanong “Rich,” ayon sa ating mga espiya.

Namamayagpag din ang video karera machines na pinatatakbo ni alias Jojo Cedeno sa buong lungsod ng Pasay at pati sa Parañaque. Masamang impluwensiya ang VK sa mga kabataan dahil istambayan ito ng mga nagtutulak ng shabu.

Bakit walang ginagawa sa ilegal na sugal ang Southern Police District (SPD) district director na si Chief Superintendent Henry Rañola Jr., Parañaque police chief Senior Superintendent Ariel Andrade, at Pasay police chief Senior Superintendent Joel Doria?

May bangka ng mga saklang patay sa Muntinlupa at lumutang ang mga pangalang “Lolit” at “Chairman Walter” sa likod nito. May ginawa ba ang mga pulis ni Senior Superintendent Allan Nobleza, hepe ng Muntinlupa City Police Station?

Sa labas ng Metro Manila ay hataw ang sakla sa Olongapo na pinatatakbo ni Jun Guinto, na sakop ng station commander na si Chief Inspector Julius Jimenez.

Sobrang abala ba ang mga opisyal ng pulis at walang alam sa mga bawal na sugal sa kanilang nasasakupan?

Kailangan ba na ang PNP-CIDG pa ang umaksiyon para mawakasan ang pamamayagpag ng mga ilegal na sugal?

Dapat lang!

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …