Thursday , January 9 2025

Goons na Barangay officials

EDITORIAL logoANG Magna Carta for Barangays ay panukalang batas na kasalukuyang na kabinbin sa Senado at Kamara.    

Layunin ng panukalang batas na mabigyan nang higit na insentibo ang mga barangay chairman at kagawad para mapaghusay ang kanilang trabaho at mapaunlad ang kanilang serbisyo sa lugar na kanilang nasasakupan.

Kung sakaling maisabatas ang nasabing panukala, ang barangay chairman, kagawad, maging ang  barangay secretary at treasurer ay gagawing regular employees ng pamahalaan na may regular na sahod, allowance, insurance, medical at dental coverage, retirement benefits at iba pang benepisyo na kasalukuyang tinatamasa ng isang regular na government employee.

Pero nakalulungkot isipin na sa kabila ng pagsisikap na mapaunlad ang kalagayan ng mga opisyal ng barangay, hindi iilan ang sangkot sa iba’t ibang ilegal na gawain. Marami sa kanila ang dawit sa droga, ilegal na sugal, protector ng prostitusyon, gun running, carnapping at iba pang uri ng krimen.

Marami sa mga opisyal ng barangay ang walang ginagawa sa kanilang nasasakupan, at sa halip ay naghihintay na lamang ng biyaya mula sa pamahalaan at mga politiko.

Sa Metro Manila, talamak ang ganitong mga kalakaran.  Sa Maynila, napakaraming barangay ang malala ang problema ng peace and order dahil sa kabi-kabilang kaso ng drugs, robbery, theft at ilegal na sugal.

Sa ngayon, walang ipinagkaiba ang marami sa ating mga barangay official sa mga traditional politician na ang sariling interes ang inuuna kaysa kapakanan ng bayan.

About hataw tabloid

Check Also

PADAYON logo ni Teddy Brul

FPJ Panday Bayanihan Partylist patok sa masa

SUMISIKAT sa masa ang party list na FPJ Panday Bayanihan party-list. Isa sa mga pangunahing …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos: kulelat na sa Pulse Asia, kulelat pa rin sa SWS

SIPATni Mat Vicencio KUNG hindi magbabago ng taktika si Senator Imee Marcos sa kanyang ginagawang …

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *