Administrator ng Pasay Cemetery nahaharap sa patong-patong na kaso? (Part 2)
hataw tabloid
June 27, 2015
Opinion
POSIBLENG kasuhan ng mga kamag-anakan ng mga nakalibing na patay sa Sarhento Mariano Public Cemetery sa Pasay City si Ms. Remy Garcia, administrator ng naturang libingan kung mabibigong ipaliwanag nito kung bakit basta na lamang giniba ng walang abiso ang mahigit sa 50 nitso sa loob ng nasabing libingan.
Mga kasong kriminal, sibil at administratibo ang handang isampa laban kay Garcia ng mga pamilya ng mga patay na giniba ang puntod.
Ayon sa mga apektadong kaanak ng mga nakalibing sa nasabing sementeryo, hindi lamang binaboy ang puntod ng kanilang mga mahal sa buhay nang ipag-utos ni Garcia ang paggiba sa mga ito upang bigyang-daan ang isang proyekto ng mga Koreano para sa semi-privitazation project. Bukod dito, hindi man lamang nagbigay ng pasabi ang tanggapan ni Garcia sa kaanak ng mga patay para man lamang mailipat ang mga labi ng mga nakalibing sa mga nitso. Ayon sa sour-ces ng TARGET, tumataginting ng Php20-M ang dahilan ng nasabing minadaling proyekto na hindi man lamang isinagguni sa konseho ng siyudad. Dalawang mataas na opisyal ng Pasay City government ang umano’y nagbulsa ng nasabing napakalaking halaga buhat sa grupo ng mga Koreanong inindorso ni Garcia.
Ayon pa sa sources ng inyong lingkod, nakatakdang ilapit ng mga apektadong pamilya ang kaso kay human rights lawyer Harry Roque na isang Pasay resident din.Si Roque ay sinasabing tatakbo bilang Congressman ng lungsod kapartido si former Congressman, Dr. Lito Roxas. Sinabi pa ng sources na kasong kriminal ang umano’y inihahandang isampa kay Garcia at sa ilang city hall officials na direktang nakinabang sa ‘goodwill money’ na ipinagkaloob ng mga Koreano.
Samantala, laan namang im-bestigahan ng City Council ng Pasay ang panibagong kontrobersiya ng lumutang ang pangalan ng matataas na opisyal ng siyudad makaraang malathala ito sa mga pahayagan.Sinikap nating makuha ang panig ni Ms. Garcia ngunit hindi natin makita sa kanyang tanggapan ang lady administrator.
Totoo nga bang mga pangalan ni Mayor Tony Calixto at Congresswoman Emi Calixto-Rubiano ang binanggit ni Garcia na nag-utos sa kanya para gibain ang mahigit sa 50 nitso?Ito rin umano ang ibinulgar ng mga Koreanong dismayado ngayon sa pagkakabalam ng nasabing proyekto kung saan naumpisahan na ang construction ng ilang apartment-type na mga puntod na planong paupahan at singilin ng nasabing Korean businessmen.
Si Garcia umano ang nag-endorso ng naturang proyekto kay Mayor Calixto dahil boyfriend umano ni Garcia ang isa sa mga negosyanteng Koreano na interesado sa Pasay Cemetery Privatization Project.
May kasunod…
Abangan!
Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR USTREAM TV” Monday to Friday 2:00 – 3:00 PM.