Sunday , December 22 2024

Ambulansiya puno ng bala’t baril nasabat sa Bulacan

NASABAT ng pulisya na nagmamando sa checkpoint, ang isang ambulansiya na may kargang iba’t ibang uri bala at malalakas na kalibre ng baril sa Dona Remedios Trinidad, Bulacan kamakalawa.

Sa ulat mula kay Senior Supt. Ferdinand Divina, Bulacan police director, ang pagkakasabat sa ambulansiya ay bahagi ng ipinatutupad nilang ‘Oplan Lambat-Sibat’ at ito ay naganap sa M. Valte Highway, Brgy. Camachile, sa naturang bayan.

Apat katao na pinaniniwalaang mga miyembro ng gun running syndicate ang nadakip ng pulisya na kinilalang sina Willy Resigurado, 47; Reynaldo Punzal, 51; Florante Gorion, 57, pawang mga residente ng Brgy. Camachile; at Delfin Salazar, 62, naninirahan sa Brgy. Bagbaguin, Pandi, pawang ng Bulacan.

Ayon sa ulat ni Senior Supt. Divina, ang mga suspek ay lulan ng Mitsubishi Delica Van (SFJ-951) na ginawang emergency vehicle o ambulansiya ng Brgy. Camachile, nang masabat sa checkpoint.

Unang naghinala ang mga pulis sa checkpoint sa kakaibang ikinikilos ng mga suspek hanggang pahintuin nila ang ambulansiya at pagkaraan ay tumambad sa kanila sa loob nito ang maraming bala at iba’t ibang klase ng baril. 

Nakakulong na ang mga suspek sa Doña Remedios Trinidad police station habang nagsasagawa nang malalimang imbestigasyon ang pulisya hinggil sa insidente.

Micka Bautista

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *