Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

PNoy ‘bukas’ sa pagbabalik ng peacetalk sa CPP-NPA (Matapos upakan)

BUKAS pa rin ang administrasyong Aquino na buhayin ang naunsyaming negosasyong pangkapayapaan sa komunistang grupo, ayon sa Palasyo.

“Ang ating pamahalaan po ay nais isulong ‘yung prosesong pangkapayapaan at patuloy pang sinusuri ang iba pang posibilidad para sa pormal na pagpapanumbalik o resumption ng negosasyon sa pagitan ng gobyerno at ng CPP-NPA-NDF,”

pahayag kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr.

Aniya, pinag-aaralan pa rin ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process ang posibilidad nang muling pagbabalik sa hapag ng negosasyon ng mga kinatawan ng gobyerno at mga komunistang grupo.

Ngunit noong nakaraang buwan lang ay inakusahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga rebeldeng komunista na ginagamit na passes ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) para palayain ng gobyerno ang mga dinakip na matataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Ayon sa Pangulo, mistulang monopoly game na may “get out of jail card free” ang ginagawa ng CPP-NPA-NDF na ikinakatuwiran na sakop ng JASIG kapag may nahuli ang awtoridad na high-ranking communist leader kahit hindi  kasama sa listahan ng may immunity.

Umabot na sa 16 ang NDF peace consultants ang dinakip mula nang magsimula ang administrasyong Aquino noong 2010.

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …