Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Parak arestado sa pagdukot at pag-reyp sa dalagita (Utol todas sa kuyog)

ARESTADO ang isang pulis sa pagdukot at panggagahasa sa isang menor de edad sa Iligan City kamakalawa.

Naaktuhan si PO1 Alikhan Unos alyas Colnel at kanyang kapatid na si Alihan sa panghahalay sa isang 17-anyos dalagita sa isang motel.

Bago maaresto ang mga suspek, kinuyog ng mga galit na residente ang magkapatid na humantong sa pagkamatay ni Alihan.

Napag-alaman sa imbestigasyon, nadaanan lamang ng mga suspek habang nagmamaneho sa C3 Road ang biktimang sapilitan nilang isinakay at dinala sa motel.

Ayon sa room boy ng motel, nagkusa pa si Alikhan na magbantay sa labas habang pumasok ang kanyang kapatid sa loob ng kwarto kasama ang biktima.

Hindi rin aniya nakita ng mga staff ng motel ang babae at nagulat na lamang sila nang sumugod dito ang mga pulis at ma-rescue ang biktimang may mga sugat sa mukha. Binanggit din ng room boy na regular na kustomer ng motel ang magkapatid.

Narekober mula sa mga suspek ang dalawang baril, isang toy gun, police uniform at ilang identification card gayondin ang cable ties na ginamit sa paggapos sa biktima at ang duct tape na ipinambusal.

Umamin si Alikhan na hindi ito ang unang pagkakataong may dinukot ang kanyang kapatid. Naniniwala ang mga awtoridad na maaaring sangkot din ang mga suspek sa iba pang kaso ng pangingidnap sa lungsod.

Mahaharap sa mga kasong administratibo ang pulis na sasampahan rin ng reklamong rape at abduction.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …