Friday , November 15 2024

Mikey Arroyo nakalusot kay Mison (Kahit walang ADO)

mison arroyoSA GITNA ng mga reklamong korupsiyon sa Tanggapan ng Ombudsman, nagpahayag ng pagdududa ang ilan sa mga kaalyado ni Pangulong Benigno Aquino III sa katapatan ni Immigration commissioner Siegfred Mison kaugnay na ng sinasabing VIP treatment na ibinigay sa anak ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng mga immigration officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

 Sa isang panayam, sinabi ng isang kilalang tagasuporta ng Pangulo ang nagparamdam ng pagtataka bakit walang kibo si Mison ukol sa pag-alis ni Mikee Arroyo tungo sa ibang bansa sa kabila ng kawalan ng allow departure order (ADO) mula sa Bureau of Immigration na isang requirement bago makaalis ang sinumang pinatawan ng hold departure order, tulad ng batang Arroyo na pinalabas ng court of tax appeal base sa kaso ng tax evasion.

 “Hindi namin siya kapartido o kaalyado ng ruling party, bakit siya bibigyan ng special treatment ng mga tauhan ni Mison at sa kanyang utos pa?” punto ng kaalyado ni P-Noy, na ayaw mabanggit ang kanyang pangalan.

 Idinagdag na mukhang mas marami pang anomalya ang lilitaw sa darating na mga araw sa panunungkulan ni Mison na may kaugnayan sa moralidad at katapatan sa adhikain ni Pangulong Aquino na ‘daang matuwid.’

Sa nakalipas na ilang lingo araw, kinasuhan nang sunod-sunod si Mison sa Ombudsman, kabilang na ang sinasabing pagkakasangkot ng Immigration commissioner sa usapin ng suhulan para sa Liberal Party (LP) at Bangsamoro Basic Law (BBL) at gayon din ang misteryosong pagpapalaya at pagkawala ng Chinese crime lord na si Wang Bo.

Dahil dito, kinuwestyon ng kaalyadoni P-Noy ang dahilan ni Mison sa pagbibigay ng pabor sa anak ni GMA na si Mikee sa pamamagitan ng pagpayag na makaalis ng bansa kahit walang ADO na dapat ay inisyu ng Office of the Commissioner (OCOM).

“Ang nakapagtataka rito, nagawang makaalis ni Ginoong Arroyo kasama ang kanyang maybahay mula sa NAIA Terminal 2. Sinabi ng aming mga source na mayroon daw tumawag sa opisina ng NAIA immigration para hayaang makaalis si (Mikee) Arroyo dahil iri-release rin naman daw ang ADO sa loob ng dalawang araw,” aniya.

 “Nakaalis si Ginoong Arroyo kasama ang kanyang asawa patungong Hong Kong noong Marso 29 na may connecting trips sa Italy, Germany at China, pero ang ADO ay napirmahan lang ni Mison noong Marso 31,” anang source.

Tracy Cabrera

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *