Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

LGU dapat magpasa ng cultural properties– NCCA

IPINAALALA ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa mga lokal na pamahalaan ang atas na ilista ang lahat ng cultural properties sa kanilang nasasakupan upang maiwasang masira ito ng ano mang proyekto ng pribadong sektor.

Ito’y kasunod ng pagpapatigil ng Korte Suprema sa kontrobersyal na Torre de Manila, tinaguriang ‘photo bomber’ ng bantayog ni Dr. Jose Rizal sa Luneta Park sa Maynila.

Inihayag ni Atty. Trixie Angeles, legal counsel ng NCCA sa kaso ng Torre de Manila na: “Nananawagan kami sa mga lokal na pamahalaan kasi ayon doon sa bagong batas, Republic Act 10066 (National Cultural Heritage Act), may obligasyon po sila na mag-conduct ng survey o cultural mapping at ilista po lahat ng cultural property na nasa locality nila at gumawa ng isang registry doon sa mga local government.”

Mula sa mga nasabing listahan na regular na ipapasa sa NCCA ay bubuuin ng komisyon ang Phillipine Registry of Cultural Property.

Ngunit reklamo ng abogado, “Sa ngayon po, wala pa ni isang local government na nagsusumite sa amin ng kanilang registry. At ito’y labag sa batas dahil ang deadline nila ay 2013 kung kaya’t nanawagan kami na bago namin maisipan na maghabla ng mga administrative sanctions laban sa mga local government officials na nagpapabaya rito, e magsumite na sila. “

Hinihikayat din ni Angeles ang publiko na ipilit sa kanilang lokal na pamahalaan na magpasa na ng naturang listahang makatutulong sa mga developer na matukoy ang limitasyon sa mga proyektong maaaring makaapekto sa mga cultural site.

Inulit din ni Angeles ang posisyon ng NCCA na payag silang bawasan ang palapag ng Torre de Manila imbes na gibain nang tuluyan ang kabuuan ng 46-palapag na condominium project.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …