Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Higit 34-K residente apektado ng Mt. Bulusan

UMABOT na sa mahigit 34,000 residente ang naapektuhan ng ibinugang abo ng bulkang Bulusan sa lalawigan ng Sorsogon.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 6,884 pamilya o katumbas ng 34,280 residente ang naapektuhan sa limang bayan sa Sorsogon na kinabibilangan ng Barcelona, Bulusan, Irosin, Casiguran at Juban.

Mula Hunyo 17, nasa walong paaralan na ang nagsuspinde ng klase ngunit tatlo na sa mga ito ang bumukas muli na kinabibilangan ng Inlagadian Elementary School, San Roque Elementary School sa Bulusan, at ang elementary school sa Irosin.

Habang suspendido pa rin ang Bacolod Elementary at High School, Catanusan Elementary School, Puting Sapala Elementary School at Buraburan Elementary School sa bayan ng Juban.

Magugunitang nitong Sabado ay may namataang panibagong abo na ibinuga ang bulkan.

Ayon kay Phivolcs Dir. Renato Solidum, mas mataas at mas makapal ang abong ibinuga ng bulkan kompara sa mga nakalipas na explosion.

Sinundan pa ito ng apat na volcanic earthquake.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …