Sunday , December 22 2024

20 bahay natupok sa Quiapo

UMABOT sa 20 bahay ang natupok habang 40 pamilya ang naapektuhan sa naganap na sunog sa Brgy. 391, Gonzalo Puyat St., Quiapo, Manila nitong Sabado.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Armando Zulueta.

Nabatid na hindi agad naapula ng mga bombero ang apoy.

“May kahirapan kanina dahil sa wind travel. Malakas ‘yung hangin, malakas ‘yung usok dahil sa wooden materials,” paliwanag ni Supt. Crispo Diaz, regional director ng Bureau of Fire Protection-NCR.

Idineklarang fire-out ang sunog pasado 9 p.m.

Ang sunog ay umabot sa ikalimang alarma ngunit walang iniulat na nasaktan sa insidente.

Ilang pamilya na nawalan ng tirahan ang pansamantalang nanuluyan sa barangay hall.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *