Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Session hall nirapido ng armalite (Vice Mayor, bodyguard patay)

 

062015_FRONT

CAUAYAN CITY, Isabela – Patay ang vice mayor ng Jones, Isabela nang harangin ang mga bala ng M16 armalite rifle na ipinangrapido ng isang lalaki na sapilitang pumasok sa session hall ng lungsod na ito.

Inihayag ni Atty. Jay-ar Valejo, legal consultant ng tanggapan ng pangalawang punong bayan, nagsasagawa sila ng sesyon nang puwersahang sirain ang pintuan ng nasabing tanggapan.

Aniya, isang lalaki na may hawak na M16 armalite rifle ang pumasok sa session hall at bigla na lamang pinagbabaril si Vice Mayor Florante Raspado.

Nang makita ni Raspado ang lalaking armado ay iniharang niya ang kanyang sarili upang hindi na madamay ang iba pang miyembri ng Sangguniang Bayan.

Sa puntong ito, pinagbabaril ng suspek si Raspado hanggang mamamatay.

Patay rin ang bodyguard ng isa pang SB member na nakaposte sa ibaba ng session hall.

Kasalukuyang sinisiyasat ng mga awtoridad ang insidente.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …